Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Calamity sa buong bansa dahil sa corona virus disease o COVID-19.

Nakapaloob sa Proclamation No. 929 na patuloy ang pagtaas ng bilang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa sa kabila ng ginagawang government interventions.

Sa pamamagitan ng deklarasyon, mapabilis ang access at paggamit ng National Government at local government units (LGUs) sa mga pondo kabilang na ang Quick Response Fund para mga hakbang sa pagkontrol sa pagkalat ng virus.

Epektibo ang State of Camality sa buong bansa sa loob ng anim na buwan maliban na lamang kung babawiin ng mas maaga ni Pangulong Duterte.

State of Calamity 1
State of Calamity 2