-- Advertisements --

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na kaniyang pipigilan ang paglabas ng mga pondo ng national budget sa susunod na taon.

Ito ay matapos na akusahan nito ang mga mambabatas na nagtatangkang i-paralyzed ang operasyon ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng maliit na alokasyon sa budget.

Sa kaniyang national address nitong hating gabi ng Miyerkules hinamon ng pangulo si Senator Richard Gordon na dalhin sa tamang korte ang pagkuwestiyon nito sa ipinalabas na memorandum na nagpipigil sa mga cabinet members na dumalo sa pagdinig ng Senado.

Tiniyak nito ang pagganti kapag ginawa ng Senado na gipitin ang budget ng Office of the President.

Magugunitang nagsasagawa ang Senate Blue Ribbon Committee ng imbestigasyon sa maanomalyang pagbili umano ng gobyerno ng mga medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical para sa COVID-19 pandemic response.