President Duterte
President Duterte

Pinawi ni presidential son Paolo Duterte ang espekulasyon na may malubhang sakit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa dating Davao City Vice Mayor, na mas malakas pa sa kalabaw ang kaniyang ama at walang katotohanan na may may dinaramdam ito.

Nauna ng pinagtanggol ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang pangulo at sinabing abala lamang ito sa mga gawain habang ito ay nasa Davao City.

Lumabas ang nasabing espekulasyon matapos ang halos isang linggo ng hindi nagpapakita sa publiko si Pangulong Duterte.