Nakatakdang bumisita sa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mayo 30 at 31.

Magbibigay ito ng talumpati sa Future of Asia Conference at pagkatapos ay magkakaroon ng bilateral meeting ito kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, ito na ang pangatlong beses na magtutungo ang pangulo sa Japan mula ng ito ay maluklok sa puwesto.

Ang imbitasyon ay personal na ipinasakamay ng representative ng Prime Minister.