-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na magsusumite si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang gabinete ng monthly report sa Kongreso kaugnay sa pagkakagastos ng P165.5-billion COVID-19 stimulus package na nakapaloob sa Bayanihan Act 2.

Ginawa ng Malacañang ang pahayag kasunod ng pagkakalagda ni Pangulong Duterte sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 kagabi.

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar, nananatiling committed ang Duterte administration sa pagsusulong ng accountability at transparency lalo na sa paggastos ng public funds kaya magsusumite sila ng ulat sa Kongreso kada buwan hanggang Disyembre 2020.

Magugunitang nagsusumite ng weekly report sa Kongreso si Pangulong Duterte kaugnay sa pagkakagamit ng kanyang special powers mula sa Bayanihan 1 na nagpaso noong June 24.

Inihayag ni Sec. Andanar na sa ilalim ng Bayanihan 2, pinaigting ang ang pagbibigay ng assistance hindi lamang sa healthcare setor kundi maging sa ibang apektadong sektor gaya sa agrikultura, turismo at transportasyon na tinamaan ng COVID-19 pandemic.

“With President Rodrigo Duterte’s signing of the Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan 2, we are well on our way to further intensify our aid and assistance not only to the healthcare sector, but also to the affected sectors of agriculture, tourism, and transportati on, among others, that were impacted by the COVID-19 pandemic,” ani Sec. Andanar.