-- Advertisements --

Umabot sa 375 Pilipino na naging biktima ng human trafficking ang naibalik sa bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2025, ayon sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Ayon kay Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Executive Director Hannah Lizette Manalili ng Department of Justice (DOJ), karamihan sa mga na-repatriate ay nabiktima ng forced labor sa mga scam hubs sa Myanmar, Cambodia, Lebanon, at Malaysia.

Binigyang-diin niyang patuloy na tumataas taon-taon ang bilang ng mga Pilipinong biktima ng human trafficking.

Noong 2024, umabot sa 387 ang na-repatriate — mas mataas kaysa sa 335 noong 2023.

Karamihan sa mga biktima ay mula sa mga pamilyang mababa ang kita, na mas madaling napapaniwala ng mga illegal recruiter, dagdag pa ni Manalili. (report by Bombo Jai)