Opisyal ng inihain ng mga kaanak ng nawawalang mga sabungero ang ilang reklamo sa Department of Justice laban sa negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang, at iba pang mga personalidad.
Ngayong araw, sa pagdating ng nasa 30 pamilya, kanilang inihain ang reklamong ‘murder’ at ‘serious illegal detention’ kontra sa pinaghihinalaang mastermind.
Ito mismo ang inihayag ni Ryan Bautista, kaanak ng isa sa mga nawawalang sabunegero na aniya’y matagal na nila ito hinihintay.
Bunsod nito’y kakaharapin ng gaming business tycoon na si Charlie Atong Ang ang reklamong ‘murder’ kasama ang ‘serious illegal detention’ complaint na inihain sa Department of Justice.
Kaya’t ang kaanak ng kabilang sa mga nawawalang sabungero na si Ryan Bautista ay ibinahagi ang kagalakan na kanyang umanong naramdaman.
Ngunit bagama’t kanilang inihain na ang naturang mga reklamo, ayon sa Department of Justice, dadaan pa ang mga ito sa evaluation.
Sakaling makitaan ng sapat na basehan, doon pa lamang masisimulan ang preliminary investigation upang madinig din ang panig o kampo ng mga respondent.
Nang matanong naman ang kasalukuyang kalihim hinggil rito, na si Justice Secretary Jesuz Crispin Remulla, kanyang sinabi na mayroong witness na makapagpapatunay hinggil sa naging partisipasyon ni Charlie Atong Ang sa naturang isyu.
Dagdag pa rito, itinuturing din ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang negosyanteng si Atong Ang bilang ‘main player’ sa isyu ng pagkawala ng mga sabungero.
Kaya’t kanyang iginiit ang kahalagahan sa pagkakaroon ng paglilitis upang mabigyang pagkakataon na masuri at masiyasat ang mga ebidensyang ipepresenta sa korte.
Sa panig naman ni Atong Ang, maaalalang pinabulaan na niya ang naturang mga paratang na ibinabato sa kanya hinggi sa pagkawala ng mga sabungero.