Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na papanagutin ng kaniyang gobyerno ang napaulat na pagkakaroon ng mahinang suplay ng tubig sa bansa.
Sa kaniyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ay sinabi niyang gagawin ng lahat ng paraan ng Local Water Utilities Administration (LWUA) para mailagay sa ayos ang serbisyo ng tubig sa bansa.
Giit nito na marapat na mapanagot ang mga nagpabaya at nagkulang sa mahalagang serbisyong-publiko.
Bagamat walang kumpanyang binanggit ang pangulo ay sinabi ng LWUA na kanilang iniimbestigahan ang reklamo sa serbisyo ng Primewater Infrastructure Corp na pag-aari ng pamilya Villar na siyang may hawak ng 74 water districts sa mga probinsya ng Cavite, Bulacan, Pangasinan, Batangas, Tarlac, Camarines Norte, Subic, at iba pa.