Minamadali na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagtatapos ng Phases 4 at 5 ng National Fiber Backbone (NFB) bago ang susunod na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dalawang taon na mas maaga sa orihinal na iskedyul.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy sa isang pagpupulong ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, sakop ng huling bahagi ng proyekto ang buong Mindanao, kabilang ang mga pangunahing lungsod tulad ng Butuan, Cagayan de Oro, Bukidnon, Zamboanga, at Davao.
Tinatayang mahigit 1,000 kilometro ng fiber lines ang itatayo ng ahensya na may pondong P16.1 billion para sa Philippine Digital Infrastructure Project (PDIP) sa Butuan City.
Ang backbone ay unang maglilingkod sa mga tanggapan ng gobyerno, ospital, LGUs, at state universities, at kalauna’y palalawigin sa mga barangay.
Layunin nitong maghatid ng mas mabilis, abot-kaya, at maaasahang internet sa Mindanao.
Tinatayang makikinabang ditto ang 772 na public institutions sa rehiyon ng XI at XIII, at inaasahang bababa ang digital divide sa mga lugar na ito mula 28% hanggang 20%.