Duterte local executives
Duterte

Kinantiyawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Gilas Pilipinas na mahihirapan sila sa Fiba World Cup 2019 na gaganapin sa China sa katapusan ng buwan.

Sinabi ng pangulo na malayong talunin ng Gilas sa pagharap nila kontra Italy.

Duterte on Gilas Pilipinas

Nagbiro pa ito na sa China na lang pumusta.

Makakaharap kasi ng Gilas ang Italy, Serbia at Angola.

Bumawi naman ang pangulo at sinabing kayang-kaya ng Gilas na talunin ang Angola sa Group D match-up.

Inaasahan naman magtutungo sa China ang pangulo at may posibilidad na ito ay manonood sa laro ng national team.