Reading Time: 1 minute
kitty duterte

Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang bunsong anak na si Veronica o Kitty habang nasa hospital.

Batay ito sa instagram story ni Kitty kagabi na binisita siya ng kanyang ama na kakagaling lamang sa limang araw na official visit sa Russia.

Sa caption ng instagram video kung saan nakaupo si Kitty hospital bed at kitang na nasa likuran niya si Pangulong Duterte, nakalagay ang mga katagang “with daddy shark.”

Magugunitang kinumpirma ni Sen. Bong Go na nagkasakit nga ng dengue si Kitty.

Ito ay kahit pa isa siya sa mga naturukan noon ng kontrobersyal na dengue vaccine na Dengvaxia.

kitty daddy shark