Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga sakit na laganap ngayong panahon ng tag-ulan.
Kabilang sa mga sakit na ito ay ang dengue na nakukuha mula sa lamok na namumugad sa naiipong tubig.
Ilan sa mga sintomas nito ay mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan, pagduduwal, at mga pantal.
Maaaring makaranas ng sintomas ang indibidwal na dinapuan ng sakit sa loob ng apat hanggang 10 araw matapos makagat ng lamok na nagdadala ng dengue virus.
Kayat hinihimok ang mga indibidwal na nakakaranas ng sintomas na agad magpakonsulta sa doktor.
Hinihikayat din ang publiko na sundin ang 4T strategy o “taob, taktak, tuyo, takip” para maiwasan ang sakit.
Maliban pa sa dengue, nagbabala din ang ahensiya sa publiko kaugnay sa mga water-and foot-borne diseases, influenza-like illnesses at leptospirosis.
Matatandaan, nauna ng idineklara ng state weather bureau ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan noong Hunyo 2.