Nagtipon muli ang mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa isang Thanksgiving gathering na ibinahagi ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte sa kanyang Facebook page.
Makikita sa larawan, kasama niya sina Vice President Sara Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte.
‘Not everything will always go the way we want it to, but there is always something to be grateful for. Family meeting for Thanksgiving! See you all soon! We miss you Pa,’ ani Pulong Duterte.
Ibinahagi rin ang litrato ni Veronica “Kitty” Duterte sa kanyang Instagram.
Ayon kay Rep. Duterte, ang pagtitipon ay isang pasasalamat sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ng kanilang pamilya.
Samantala, nananatiling nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands si dating Pangulong Duterte dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong kampanya kontra droga na Oplan Tokhang.
Ayon sa datos, mahigit 6,000 ang nasawi sa nasabing kampanya, ngunit tinatayang aabot ito sa 20,000 ayon sa mga human rights groups.
Sa nakaraang 2025 midterm elections, muling pumasok sa lokal na politika ang pamilya Duterte kung saan si FPRRD ay nanalong alkalde ng Davao City, habang si Sebastian ay bise alkalde, at si Paolo naman ay muling nahalal bilang kinatawan ng unang distrito ng Davao.