-- Advertisements --
Nakatakdang dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte bukas sa kauna-unahang virtual ASEAN Summit.
Sinabi ni Presidential Assistant on Foreign Affairs at Chief of Presidential Protocol Robert Borje, malaking hamon ang nasabing sistema kaya mahigpit ang kanilang ugnayan sa mga counterparts para maging maayos ang partisipasyon ni Pangulong Duterte sa 36th ASEAN Summit.
Ayon kay Sec. Borje, aasahan umano ng taongbayan na isusulong ni Pangulong Duterte ang interes ng Pilipinas sa mga diyalogo para manumbalik sa normal at makabawi ang ekonomiya ng rehiyon.
Kabilang dito umano sa agenda ang seguridad at kapayapaan sa rehiyon, gayundin ang proteksyon sa karapatan ng ating mga migrant workers.