Meralco Bolts
Bolts/ FB post

Nagsanib puwersa si Allen Durham at Raymond Almazan ng Meralco Bolts para tuluyang talunin nila ang Blackwater 106-97 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Kapwa kasi nagtala ng double-double ang nasabing manlalaro para madala sa apat na panalo at dalawang talo ang Bolts.

Mayroon kasing 27 points, 13 rebounds at dalawang blocks si Durham habang mayroong 19 points, 10 rebounds at dalawang blocks si Almazan.

Sinabi naman ni Meralco Bolts Norman Black na kaniyang sinasamantala ang bagong format ng PBA na ang top four teams ay makakakuha ng twice-to-beat.

Nagkulang naman ang 22 points na ginawa ni Mike DiGregorio ng Blackwater.