Reading Time: 1 minute
KEVIN DURANT 1
Kevin Durant

Hindi pa rin makakapaglaro sa game 2 si Golden State Warriors forward Kevin Durant sa paghaharap nila ng Portland Trailblazers dahil sa calf strain injury.

Sinabi ni Warriors coach Steve Kerr na isang hamon sa kanila ang nasabing kawalan ni Durant.

Umaasa ito na sa muling pagsusuri ng doktor kay Durant sa Biyernes ay papayagan na itong makapaglaro sa game 3.

Nauna rito hindi na nakapaglaro si Durant ng talunin ng Warriors ang Blazers 116-94 sa kanilang game 1 Western Conference finals.