-- Advertisements --

Namataan ng mga otoridad sa Calayan, Cagayan ang isang hinihinalang submersible drone na siyang isinuko ng mga mangingisda.

Ayon kay Cagayan Police Provincial Office (PPO) Director Col. Mardito Anguluan, natagpuan ang drone sa katubigan sa bahagi ngt Brngy. Dalupiri.

Markado din ang naturang drone na mayroon ring antenna, propeller at rudder na nagpapakita ng indikasyon na maaring kontrolada ng ibang tao ang isinukong drone.

Kasalukuyan na itong sumasailalim sa mga pagsusuri para malaman ang pinagmulan, gamit at kung ano ang posibleng banta na dala nito sa seguridad ng bansa.

Samantala, patuloy naman na nakikipagugnayan ang pulisya sa iba pang lokal na pamahalaan sa cagayan at maging sa maritime agencies para mapanatili ang kayusan at kapayapaan sa mga katubigan sa Cagayan.