Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mamamayan na habang maaga pa ay bumili na ng pang-noche buena sa pagdiriwang ng kapaskuhan.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, sa nasabing paraan ay maiwasan ang pagsisiksikan ng mga tao sa mga pamilihan.

Inaasahan kasi na sa mga susunod na araw ay dadami ang mga bibili ng mga panghanda sa kapaskuhan.

Kapag maraming tao aniya ay baka hindi na masunod ang ipinapatupad na health protocols.