-- Advertisements --

Iniulat ng Deparment of Trade and Industry na pumalo na ngayon sa P427 billion pesos ang halaga  ang foreign direct  investments na aktual na naaprubahan ng board of investments ng DTI mula  January hanggang Setyembre ng taong ito  mula sa mga nagdaang biyahe sa ibang bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay  DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo, managing head ng Board of Investments,  na mas mataas ito ng
4150 % kumpara sa  naitala lamang na 362 bilyong pisong pamumuhunan noong isang taon sa parehong panahon.

Sinabi ni Rodolfo, ang dahilan nito ay ang pagtatanggal sa foerign equity estrictions na ginawa ng pamahalaan noong Nobyembre ng isang taon sakto sa pagbisita noon ni Oangulong Marcos sa asean-european summit sa Brussels, Belgium.

Dagdag pa ni Rodoldo karamihan sa nakuhang investments ay sa  sektor ng renewable energy, pinakamalaking bansa na namuhunan dito ay Germany, sinundan ng Japan at South Korea.

Bukod sa  sektor ng renewable energy,  bahagi rin ng mga nakuhang pamumuhunan at inaprubahan ng BOI ay sa sektor ng telecommunications, at mineral processing partikular sa nickle.

Naitala ng BOI na sa  P734 bilyong pisong naaprubahang pamumuhunan kasama na rito ang local investments.