Dumipensa ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagpayag nila ng dagdag presyo ng mga pangunahin bilihin.

Sinabi ni DTI Trade Undersecretary Ruth Castelo, na dumaan sa pagsusuri ng kanilang opisina ang hiling ng dagdag presyo ng ilang kompaniya ng sardinas, kape at noodles.

Taong 2016 pa ng huling humirit ng dagdag presyo ang noodles habang ang mga kumpanya ng sardinas ay dahil sa pagtaas na rin ng presyo ng mga isda sa pamilihan.

Sa inilabas ng DTI maglalaro ng P0.30 hanggang P1.50 ang taas presyo ng sardinas, P0.45 naman sa noodles at P0.20 hanggang P1.00 ang itataas sa mga instant coffee.