Naglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng special permits para sa halos 300 na pampasaherong bus na dumaan sa NIA Road sa Quezon City.
Ayon kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, na ang mga bus na bumabiyahe sa Sapang Palay at Fairview ay maari ng makadaan sa NIA road.
Ang hakbang ay dahil sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos na maging mabilis at maginhawa ang biyahe.
Mayroong 268 na special permit ang inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makadaan ang mga bus sa NIA road.
Naging pahirap kasi sa mga pasahero ang mahabang lakaran para makasakay lalo na ang mga may edad na.
Pagbabawalan din ang mga bus na magtambay o gawing terminal ang lugar dahil maglalagay sila ng mga traffic enforcers.