Inabisuhan ng Department of Tourism (DOT) ang publiko na ipagpaliban muna ang hindi mahalagang biyahe sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Tino at iwasan ang mga baybayin at kabundukan sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa ahensiya nagsasagawa na sila ng assessment upang matiyak na ligtas ang mga tourist spots at accommodation facilities.
Sa ngayon, walang naitalang malaking pinsala, at ligtas na rin ang 81 turistang na-stranded sa Northern Mindanao.
Pinayuhan din ng ahensiya ang mga turista sa apektadong lugar na manatili sa ligtas na tirahan at sumunod sa mga abiso ng lokal na awtoridad at state weather bureau.
Dahil sa matinding ulan, hangin, at alon, sinuspinde na ang ilang biyahe sa dagat at eroplano.
Tiniyak naman ng DOT na patuloy silang magbibigay ng update at nanawagan ng pag-iingat at kooperasyon ng publiko.















