Reading Time: 1 minute
DoT Sec Puyat
DoT Sec Bernadette Puyat/ FB photo

Ikinalugod ng Department of Tourism (DOT) ang pagtanggal sa public advisory ng US Department of Homeland Security (DHS) tungkol sa security condition sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, na may malaking tulong ito sa pagtaas ng bilang mga turistang magtutungo sa bansa.

Pinuri rin ng kalihim ang mabilis na panunumbalik ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA).

Magugunitang naglabas ng advisory ang Homeland Security dahil sa umano’y mahinang seguridad na ipinapatupad sa NAIA.

NAIA Terminal 3
NAIA