-- Advertisements --

Mahigpit na nakikipagtulungan ang Department of Tourism sa Department of Interior and Local Government (DILG) , Philippine National Police (PNP) at Office of the President (OP) para mabigyan ng seguridad ang mga turista.

Kasunod ito sa naging apila ng opisyal ng Korean embassy na dapat ay magkaroon ng malakas na pagbabantay sa kanila ang gobyerno.

Sinabi kasi ni Embassy of the Republic of Korea Deputy Chief of Mission and Consul General Sang Seung-man, nakakaalarma na ang mga krimen kung saan nagiging biktima dito ay mga mamamayan nilang Korean.

Sinabi naman ni Tourism Secretary Christina Frasco na mayrong silang mahigpit na koordinasyon sa gobyerno ng Korea para maging ligtas ang mga turista gaya nila.