-- Advertisements --
Ikinagalit ng Department of Tourism (DOT) ang iresponsableng ulat mula ng isang website na kabilang ang Pilipinas sa hindi ligtas o delikadong bansa sa mundo.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco , walang anumang sapat na datos ang nasabing HelloSafe website kung saan nanguna ang Pilipinas sa listahan ng delikadong bansa.
Bagamat binago na ng website ang ranking ay nabahala pa rin ang kalihim.
Dahil sa nasabing irresponsableng ulat ng website ay naapektuhan ang tiwala ng mga dayuhan na bumisita sa bansa.
Maging aniya ang mga samahan ng hotel sa bansa ay kinondina ang nasabing iresponsableng ulat.