-- Advertisements --

Patuloy ang isinasagawang pananaliksik ng Department of Science and Technology – Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) kaugnay ng paggamit ng kawayan bilang “fire-safe” na materyal sa konstruksyon.

Sinasabing nakatutulong ang kawayan sa pagbagal ng pagkalat ng apoy at sa pagbawas ng tindi ng sunog.

Nagsagawa rin ang DOST-FPRDI ng mga pagsusuri sa kanilang Fire Testing Laboratory upang matiyak na pumapasa ang kawayan sa itinakdang pamantayan o safety standards.

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., simple lamang ang kanilang layunin: tulungan ang mga Pilipino na magamit ang kawayan at iba pang produktong mula rito nang mas ligtas, mas matalino, at mas sustainable kaysa dati.