BUTUAN CITY – Pinangunahan ni Department of Science and Technology o DOST Secretary Dr. Renato Solidum ang paglunsad ng Smart Eco Butuan 2040 Roadmap sa Butuan City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni DOST Secretary Dr. Renato Solidum na pangunahing layunin nito ay upang mabigyan ng smart technology ang mga pilot cities ng bansa gaya ng Butuan, nang sa gano’y kanilang maipatupad ang mga targeted programs.
Ito’y mapapakinabangan pa umano sa susunod pang mga henerasyon dahil magsisilbi itong blueprint ng city government para sa inobasyon, episyente at inclusivity dahil magiging tulay ito sa mga kakulangan at mapanatili ang momentum sa pag-abot ng vision ng city government para sa smarter, at mas sustainable na Butuan City.
Kasama sa paglunsad ng roadmap ang pag-tour sa mga city officials sa mga bisita sa anim na mga smart city pillars na kinabibilangan ng Smart Economy, Smart Mobility, Smart Living, Smart Environment, Smart Governance at Smart People