-- Advertisements --

Inanunsyo ni Department of Science and Technology (DOST) Sec. Renato Solidum na available na sa bansa ang Tuslob Rapid DNA Extraction Kit at VIPtec ASFV Real-time PCR Detection.

Ang inobasyon ay proactive measure sa on-site diagnostics na magagamit sa mga slaughterhouse, barangay centers, at animal checkpoints na dinevelop sa ilalim ng DOST-funded Virology and Vaccine Research Program.

Sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations sa budget ng DOST, humingi ng update si AGAP Party-list Representative Nicanor Briones sa naturang proyekto, lalo’t aniya, tinatayang umabot na sa mahigit ₱200 bilyon ang kabuuang pinsala ng ASF sa sektor ng pagbababoy.

Dagdag ni Solidum, isang balik-scientist na kasalukuyang naka-base sa Estados Unidos ang nangunguna sa pag-develop ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF).

Ayon sa kalihim, natukoy na ang genome sequence ng ASF virus at kasalukuyang tinatapos na lamang ng kanilang partner ang pasilidad na gagamitin para makapagsimula na sa produksyon ng mga bakuna.

Ipinahayag ni Kalihim Renato Solidum ng Department of Science and Technology (DOST) na maaari nang gamitin sa Pilipinas ang Tuslob Rapid DNA Extraction Kit at ang VIPtec ASFV Real-time PCR Detection kit.

Ang mga makabagong teknolohiyang ito ay isang mahalagang hakbang para sa mas mabilis at epektibong pagtukoy ng mga sakit sa mga hayop.