-- Advertisements --

Sisimulan ngayong buwan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamamahagi ng financial assistance sa mga kuwalipikadong pensioners ng Employees Compensation Commission (ECC).

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na ang direktang ipapasok sa kanilang account ang one-time financial assistance na nagkakahalaga ng P20,000.

Ipapamahagi ito sa pamamagitan ng by-batches sa halos 32,000 ECC pensioners ng Social Security System (SSS) at ng Government Service Insurance System (GSIS).

Paglilinaw naman ni ECC executive director Stella Zipagan-Banawis na ang kailangan na mag-apply ang mga kuwalipikadong EC pensioners para makakuha ng kanilang financial assistance.

Ang mga Ec pensioners ng private sector na mayroong isang buwan ng permanent partial disability (PPD), permanent total disability (PTD) o survivorship pension mula Enero 1, 2020 hanggang Mayo 31, 2021 ay kabilang sa one-time financial assistance.