-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers na magkaroon sila ng konsultasyon sa kanilang mga empleyado na maaapektuhan ng pasasaayos ng EDSA.

Inaasahan kasi ang matinding trapiko dahil sa paggawa ng mga kalsada.

Ayon kay DOLE Secretary Beinvenido Laguesma, na kanilang hinihikayat ang mga employers na dapat ay magkaroon ng magandang solusyon sa panig ng employers at employee kapag tuluyan ng masimulan ang EDSA rehabilitation.

Ilan sa mga solusyon na kanilang naisip ay ang pagkakaroon ng work-from-home agreement para hindi mahirapan ang mga empleyado na maipit pa sa trapiko.

Isa rin itong naisip na paraan ng Department of Transportation (DOTr) para mabawasan ang dami ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA.

Handa umano silang mamagitan sa pagitan ng employers at employee kung kinakailangan para sa ikabubuti ng dalawang panig.