Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa tamang pasahod ng mga employers sa kanilang empleyado na papasok ngayong araw April 9, 2018 na idineklarang regular holidays dahil sa paggunita ng Araw ng Kagitingan.

Sa inilabas na Labor Advisory ng DOLE sinabi nito na mababayaran pa rin ng buo ang mga empleyado na hindi pumasok ngayong araw.

-- Advertisement --

Habang mga empleyado na papasok ngayong araw ay makakatanggap ng karagdagang 100% sa kanilang arawang sahod.

Makakatanggap naman ng karagdagang 30% sa kaniyang arawang sahod sa bawat oras ang mga empleyadong pumasok sa sobra ng walong oras sa kaniyang trabaho o over time.