Maglalaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P100 milyon na tulong para sa manggagawa na apektado ng magnitude 6.9 na lindol sa northern Cebu.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Estudillo Laguesma na ang halaga ay ibibigay sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) program ng ahensya.
Kada benepesaryo ay makakatanggap ng P5,400 na cash assistance matapos makumpleto ang 10-day cash-for work program kung saan sila ay babayaran ng P540 kada araw.
Tutulong ang mga TUPAD workers na linisin at mga lugar mula sa mga debris ng iba’t-ibang gusali dahil sa lindol.
Nagpapatuloy ang profiling ng ilang libong manggagawa sa Cebu na sakop ng microbusiness owners gaya ng vendors para mabigyan ng ayuda na
unang inilaan ng DOLE ng P12 milyon na pondo.