Muling pinaalalahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga private employers na sundin ang tamang pasahod sa kanilang empleyado na papasok ngayong Pebrero 12 o Chinese New Year na isang special non-working holiday.
Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III , na ang empleyado na magtatrabaho ngayong araw ay mababayaran ng karagdagang 30 percent sa loob ng walong oras.
Sakaling lumagpas ng walong oras o nag-overtime ang isang empleyado ay babayaran ng karagdagang 30 percent sa kaniyang “hourly rate”.
Kapag nataon na day-off ng isang empleyado at siya ay pinapasok ay babayaran siya ng karagdagang 50 percent sa kaniyang basic pay sa loob ng walong oras at karagdagang 30 percent sa bawat oras sakaling siya ay nag-overtime.
Magiging epektibo naman ang “No Work, No Pay” policy kapag ang isang empleyado ay hindi pumasok ngayong araw.