DOLE JOB FAIR
DOLE Job Fair/ FB post

Magsasagawa ng nationwide job fair ang Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong araw ng Kalayaan o 121st anniversary ng Proclamation of Philippine Independence.

Isasagawa ito sa 22 mga lugar sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Mayroong 70,000 na mga local and overseas job ang bukas para sa mga aplikante.

Binubuo ito ng 461 na mga local employers at 99 overseas.

Ilan sa mga bakanteng trabaho ay sa mga posisyon ng production machine operators, production worker/ factory workers, customer service representatives, call center agents, sales clerk, cashiers, delivery crew, service crew at marketing officers.

May tema ngayong ang 2019 Independenc day na “Kalayaan 2019 Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan”.