Humihirit ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P5 bilyon pondo mula sa panukalang Bayanihan 3.
Ang nasabing halaga ay para mga mangagawang naubusan na ng mga leave credits na lumiban na dahil sa COVID-19.
Sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay na makikinabang din ang mga empleyado na naka-quarantine matapos na maging close contact o nakaranas ng side effects matapos na maturukan ng COVID-19 vaccines.
Sinang-ayunan naman ng grupong Defend Jobs Philippines ang nasabing panukala dahil ito aniya ng naging problema ng mga empleyado.
Nakasaad sa panukalang Bayanihan 3 na pasado na sa Kamara na mayroong P30 bilyon ang DOLE para sa cash assistance program ng mga displaced workers at OFW at emergency employment sa mga informal sector.













