Maghahain ng motion si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa Office of the Ombudsman.
Layon nito ay para resolbahin ang isinampang reklamo sa kaniya ni Senator Imee Marcos na may kinalaman sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Isinumite kasi ni Sen. Marcos sa Ombudsman ang Senate report ng Chairman ng Senate Committee on Foreign Relations dahil sa pagkakaaresto sa dating pangulo kung saan kasama ang pangalan ni Remulla.
Una ng kinumpirma ng Supreme Court na kabilang si Remulla na hindi pa nakakakuha ng clearance para sa interview ng Judicial Bar Council para maging susunod na Ombudsman.
Kasama ni Remulla si Philippine Charity Sweepstakes Office chairperson Felix Reyes na wala pang clearance mula sa Ombudsman.
Ang mapipiling Ombudsman ay papalit kay Ombudsman Samuel Martires na nagtapos ang termino noong Hulyo 27 kung saan mayroong pitong taon na termino ng walang anumang reappointment.