Reading Time: 1 minute

Plano ngayon ng Department of Justice (DOJ) na dagdagan pa ang mga signal-jammer system na may malawak na coverage na ilalagay sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ni DOJ Undersecretary Deo Marco, ang namumuno sa committee sa BuCor, na bukod sa signal jamming ay maglalagay din sila ng karagdagan CCTV.

Sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ay tiniyak na maisasakatuparan ang nasabing proyekto.

Naungkat ang nasabing usapin matapos na talamak muli ang pagpuslit ng mga kontrabando sa BuCor.