-- Advertisements --

Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso laban kay Charlie Tiu Hay Ang, kilala bilang Atong Ang, at 25 iba pa kaugnay sa serye ng pagkawala ng mga sabungero.

Ayon sa press statement nitong Disyembre 9, 2025, nakita ng panel of prosecutors ang prima facie evidence na may “reasonable certainty of conviction” para sa kabuuang sampung bilang ng kasong Kidnapping with Homicide.

Kabilang sa mga akusado ang ilang opisyal ng pulisya, mga tauhan ng sabungan, at mga dating empleyado ni Ang.

Bukod dito, may labing-anim na bilang ng kasong Kidnapping with Serious Illegal Detention na isinampa rin laban sa parehong grupo, kabilang ang ilang hindi pa natutukoy na pulis.

Sa kabuuan, dalawampu’t anim (26) na kaso ang isasampa sa korte para sa pagsasagawa ng paglilitis.

Ang mga kasong ito ay bahagi ng consolidated cases ng People of the Philippines vs. Charlie Tiu Hay Ang et al., kaugnay sa mga sabungerong nawawala mula 2021 hanggang 2022.

Samantala, ang mga kasong isinampa sa ibang respondents ay pansamantalang ibinasura ngunit maaaring muling buhayin kung may bagong ebidensyang lilitaw.

Kidnapping with Homicide (10 counts):

Charlie Tiu Hay Ang @ Atong Ang
PLtCol. Ryan Jay Orapa
Rogelio Teodoso Borican Jr.
Rodelo Anig-ig
Jezrel Mahilum
Mark Carlo Zabala
Ronquillo Anding
PSMS Joey Natanauan Encarnacion
PEMS Aaron Ezrah Lagahit Cabillan
PMSG Michael Jaictin Claveria
PSMS Mark Anthony Aguilo Manrique
PSMS Anderson Orozco Abary
PSSG Edmon Hernandez Muñoz
PSSG Alfredo Uy Andres
PMaj Philip Almedilla
PLT Henry Sasaluya
PCMS Arturo Dela Cruz
PSMS Farvy Opalla Dela Cruz
PCpl. Angel Joseph Martin
Jezrel Lazarte Mahilum
Emman Cayunda Falle
Julious Tagalog Gumulon
PMSg Renan Lagrosa Fulgencio

Kidnapping with Serious Illegal Detention (16 counts):

Charlie Tiu Hay Ang @ Atong Ang
PLtCol. Ryan Jay Orapa
PMSg Michael Jacitin Claveria
Rodelo Anig-ig
Rogelio Borican Jr.
PSSG Alfredo Uy Andres
PMaj Philip Simborio Almedilla
PSMS Joey Encarnacion
PEMS Aaron Ezrah Lagahit Cabillan
John Does (mga hindi pa natutukoy na pulis na kabilang sa grupo ni PLtCol. Orapa)

Sa ngayon, hinihintay pa ang tugon ng panig ng mga inaakusahan para sa kanilang reaksyon.