-- Advertisements --

Bahagyang bumababa ang bilang ng mga bagong COVID-19 cases na nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH). Ngayong araw, may 2,218 confirmed cases na iniulat ang ahensya.

Bunsod ito ng submission ng 102 mula sa 110 lisensyadong laboratoryo, kaya ang total cases ay umakyat pa sa 226,440.

Noong August 25 nang huling makapagtala ang DOH ng higit 2,000 lang na bagong kaso ng COVID-19, kung saan umabot sa 2,965. Sa petsa ng July 29 naman huling nag-ulat ang ahensya ng mababa sa 2,000 dagdag na kaso ng sakit na umabot sa 1,834.

Sa nagdaang linggo naglalaro sa pagitan ng 3,000 hanggang higit 5,000 ang bagong kasong iniulat ng Health department.

Samantala, ang bilang ng mga nagpapagaling pa o active cases ay nasa 64,207.

Ang numero ng mga gumaling ay nadagdagan pa ng 609, kaya ang total ngayon ay 158,610.

May 27 namang additional sa total deaths na ngayon ay nasa 3,623.

Ayon sa DOH, 42 duplicates ang kanilang tinanggal sa total case count, kung saan 10 ang recoveries at isa ang death case.

Isang recovery case naman ang pinalitan ng DOH ng tagging matapos matukoy sa validation na siya at patay na.