Namahagi ang pamunuan ng Department of Labor and Employment ng libreng livelihood package para sa mga manggagawa at mangingisda sa Cantilan, Surigao del Sur.
Milyong-milyong halaga ng tulong pangkabuhayan ang ipinagkaloob ng ahensya sa naturang sektor.
Ayon sa DOLE, naglaan ito ng ₱700,000 para sa MMDC-SU Rice Trading and Agrivet Supply Project ng Marcventures Mining Development Corporation, at ₱1.3 milyon sa kagamitan para sa NAGMAKAYO Fishermen Cooperative;.
Ito ay para naman sa paggawa nila ng malunggay-corn coffee, herbal liniment oil, at ginamos na amahong.
Ang nasabing pondo ay nagmula sa Integrated Livelihood Program ng ahensya katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng Cantilan.
Nilalayon nito na mabigyan ng angkop na suporta ang mga manggagawa at mangingisda sa mga kanayunan at mabigyan din sila kabuhayan at pagkakataon na umunlad ang pamumuhay.