EfOcMVPWAAYIyXi 1
DOH memorandum

Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang suggested retail price (SRP) ng mga face shields.

Sa memorandum 2020-0345 ng DOH na pirmado ni Secretary Francisco Duque III, dapat maglaro lamang mula P26.00 hanggang P50.00 bawat isang face shield.

Nakasaad din sa nasabing memorandum ang specifications ng nasabing face shields gaya ng dapat ito ay gawa sa clear plastic o acetate material na magbibigay ng good visibility ng gumagamit.

Dapat ay fog resistant, adjustable bant para maging makapit ito sa ulo at komportableng nakadikit sa noo.

Kinakailangan din na matatakpan ang buong mukha na gawa sa matibay na materyales at madaling linisan.

Pinayagan naman ng DOH ang pagtaas ng hanggang 10% kapag ito ay ibebenta sa Visaya at Mindanao para mapunan ang gastos sa pagbiyahe.