MANILA – Nag-ulat ng 1,949 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) ngayong araw ng Linggo, January 24.
Batay sa report ng ahensya, pumapalo na sa 513,619 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease.
Pero hindi pa raw kasali rito ang datos ng limang laboratoryo.
“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on January 23, 2021.”
Nangunguna pa rin ang Davao City sa listahan ng mga lugar na may pinakamataas na bilang ng bagong kaso, na umabot sa 99.
Sumunod ang Quezon City (98), Cavite (74), Baguio City (73), at Leyte (63).
Bumaba naman sa 27,765 ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling matapos ang time-based tagging na “Oplan Recovery” ng ahensya.
Sa ngayon 83.3% pa ang mga mild cases, nasa 9.1% naman ang asymptomatic, at 0.53% ang moderate cases.
Nasa 4.4% ang critical, at 2.7% ang severe cases.
Nadagdagan ng 7,729 ang total recoveries na pumapalo na sa 475,612.
Habang 53 ang bilang ng bagong namatay, kaya ang total deaths ay nasa 10,242 na.
“8 duplicates were removed from the total case count. Of these, 1 recovered case and 1 death have been removed.”
“In addition, 1 case was found to have tested negative and has been removed from the total case count.”
“Moreover, 2 cases that were previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation.”