-- Advertisements --

Pinaghahanda na ngayon ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko para sa posibleng epekto ng habagat sa bansa.

Sa isang pahayag, nagabaiso ang OCD sa publiko na manatiling vigilante at handa dahil sa magpapatuloy na epekto ng habagat sa bansa na siyang magdadala ng malalakas na pagulan sa malakaing bahagi ng Pilipinas.

Ilan sa mga rehiyon na posibeng maapektuhan nito ay ang malakaing bahagi ng MIMOROPA, Western Visayas, Bicol region at Quezon Province habang panaka-naka at kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararamdaman sa malalaking bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay OCD Officer-In-Charge at Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, bagamat nakalabas na ng bansa ang Bagyong Fabian ay may nakaambang banta pa rin dahil sa posibilidad na pagkkaroon ng mga landslides at pagbaha dulot naman ng habagat.

kasunod nito ay tiniyak naman ni Alejandro sa publiko na patuloy ang kanilang implementasyon ng preparedness measures para sa mabilis na pagresponde sa kahit anumang emerhensiya.