Humingi ng paumanhin ang Department of Health (DOH) matapos umanong magkamali ng anunsyo ang ahensya kahapon tungkol sa brand ng test kits na may mababang accuracy rate sa resulta.

Sa inilabas na statement, nilinaw ng DOH na ibang brand ng test kits ang tinutukoy ni Usec. Maria Rosario Vergeire na nagpakita lang ng 40-percent accuracy.

“Upon preliminary review of documents by RITM, subsequent validation was necessary,” ayon sa DOH.

Lumabas sa parallel testing ng ginawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na match sa test kits ng World Health Organization (WHO) ang 2,000 BGI at 100,000 Sansure RT-PCR test kits na dinonate ng Chinese government kamakailan.

“Moreover, Sansure test kits contain all required reagents to run the test successfully. This means that no other reagents will need to separately procured by the Philippine government to use the test kits.”

“To minimise this extra step, parties agreed to use BGI and Sansure RT-PCR test kits for subsequent donations.”

“The DOH apologises for any confusion that previously issued statements have caused.”