COVID Bed BCDA
-- Advertisements --

MANILA – Aminado ang Department of Health (DOH) na kahit nasa mababang antas ang utilization o paggamit sa mga itinakdang kama para sa COVID-19 patients, tumataas naman ang bilang ng okupadong ICU beds.

Ayon kay Dr. Beverly Ho, Director IV ng DOH-Health Promotion Bureau, nasa 35% ang utilization rate ng dedicted COVID-19 beds sa buong bansa. Itinuturing pa itong low risk.

Pero kung titingnan ang datos ng mga lugar na binabantayan dahil sa mataas na kaso ng sakit, makikita raw na nasa 49% ang utilization rate ng National Capital Region.

Samantalang 65% o moderate risk ang ICU beds, at 38% ang ginagamit na mechanical ventilators.

Sa Central Visayas naman, bagamat 47% ang utilization sa dedicated beds, 49% ang sa mga kama sa ICU.

-- Advertisement --

Pagdating naman sa Davao region, 33% ang utilization sa mga inilaang kama ng COVID-19 patients, pero 52% sa ICU beds.

Habang pinakamataas sa Cordillera region na may utilization rate na 56% sa dedicate beds at 71% sa ICU beds.

“We cannot just be complacent about the numbers because the ICU beds are slowly being filled up and its always a percentage of the number of cases.”

“Habang tumataas yung total cases kahit mababa pa rin yung nagiging serious, its always a percentage of cases.”

Batay sa datos ng DOH as of March 14, may kabuuang 2,089 ICU beds sa buong bansa.

Ang dedicated beds naman ay nahahati sa 17,508 isolation beds, at 9,345 ward beds.

Samantalang 2,137 ang kabuuang bilang ng mga mechanical ventilators. Ito ay ginagamit para sa mga pasyenteng nahihirapan huminga.

Nitong weekend, aabot sa halos 10,000 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Pilipinas.

Noong Sabado, 5,000 new cases ang iniulat ng DOH, samantalang 4,899 nitong Linggo.

Sa kabuuan, mayroon ng 621,498 na total cases ng COVID-19 sa Pilipinas.