-- Advertisements --

MANILA – Aabot na sa 464,004 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ngayong araw, nag-ulat ang kagawaran ng 1,196 na mga bagong kaso ng sakit. Pero hindi pa raw kasali rito ang datos ng walong laboratoryo na hindi nakapag-submit kahapon.

“8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 22, 2020.”

Ang Quezon City ang nangunguna sa may pinakamataas na bilang ng mga bagong tinamaan ng COVID-19, na umabot sa 123. Sumunod ang Rizal na may 84; Maynila (74), Davao City (54), at Batangas (49).

Nasa 24,984 pa ang mga nagpapagaling o active cases. Nadagdagan naman ng 564 ang total recoveries, kaya 429,972 na ang gumaling mula sa sakit.

Ang total deaths, nadagdagan ng 27, kaya 9,048 na ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19.

“There were 7 duplicates removed from the total case count. Of these, 4 recovered cases. Moreover, 7 cases that were previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation.”