Ikinatuwa ng isang koalisyon ang naganap na insidente ng banggaan sa pagitan ng dalawang barko ng Tsina sa Bajo de Masinloc ngayong araw.
Kung saan tila nasiyahan pa ang Co-convenor ng Atin Ito coalition at Akbayan president na si Rafaela David sa kolisyon nangyari.
Kasunod ng naganap na insidente, aniya’y ‘DASURV’ o nararapat lamang ito sa mga barko ng bansang Tsina na siyang pilit nang-aangkin sa teritoryo ng bansa.
Kanya pang sinabi na ito’y nagpapakita lamang na walang puwang sa karagatan ng Pilipinas ang mga nanggigipit kaya’t aniya’y maituturing na ‘karma’ ang naturang insidente.
Dagdag pa rito, kinuwestyon din ni Atin Ito coalition Co-Convenor Rafaela David ang naging hakbang ng Tsina na siyang nagdulot ng pangamba sa buhay miski ng mga sariling tauhan nito.
Habang kasabay naman nito ang kanyang pahayag ng paghanga at pagsaludo sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard na siyang ipinaglalaban ang karapatan ng bansa.
Samanatala, inilunsad naman ngayong araw ng Atin Ito coalition ang kanilang ‘West Philippine Sea Rap Challenge’.
Layon sa kanilang kampanya na palakasin ang kamalayan ng publiko hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng mga Pilipno sa West Philippine Sea.
Kabilang sa mga dumalo at sumuporta sa naturang adbokasiya ay ang Filipino singr-songwiter na si Noel Cabangon.
Sa pamamagitan aniya nito ay maabot miski ang kabataan upang makiisa sa aksyon ng koalisyon na maitaguyod ang karapatan sa teritoryo ng bansa.