Nagsagawa ang ilang grupo ng ‘lightning rally’ sa tapat ng embahada ng bansang Tsina sa lungsod ng Makati ngayong araw.
Bilang pagpapakita anila ito ng mariing pagkundena sa isinagawang agresibong aksyon ng dayuhang bansa kamakailan sa West Philippine Sea.
Kaninang alas-dyis ng umaga nang umpisahan at ilunsad ng iba’t ibang makabayang grupo sa pangunguna ng Filipinos Do Not Yield Movement, Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya, at iba pa ang naturang demonstrasyon.
Sa isinagawang protesta sa harap ng Chinese Embassy sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue, kanilang winasak ang isang effigy sumisimbolo sa barko ng China Coast Guard.
Habang ang ilan ay humiga pa sa sahig hawak mga karatulang tumututol sa hakbang o aksyon ginawa ng bansang Tsina nagpapakita ng ‘die-in protest’ sa panganib nitong dulot lalo na sa kabuhayan ng mga mangingisda.
Bahagi at parte sa naganap na demonstrasyon maging ang pagpunit sa dala-dala nilang karton bandila ng bansang pilit nang-aankin sa teritoryong pandagat ng Pilipinas.
Iginiit ng naturang mga grupo na ang insidente ay paglabag sa karapatang pantao at pati hindi pagrespeto sa internasyunal na batas pandagat,
Kung kaya’t panawagan nila sa pamahalaan at pandaigdigang komunidad na maipagtanggol at mapanindigan ang soberanya at pagprotekta sa mga Pilipinong mangingisda.
Kauganay isinagawang demonstrasyon at protesta kasunod magtamo ng sugat o injury ang ilang mangingisda sa Escoda Shoal, West Philippine Sea.
Ginamitan kasi ang kanilang mga bangkang pangisda ng malalakas o high pressure water cannons nagdulot sa pagkasira ng ilan sa mga ito.
Subalit ayon naman kay National Maritime Council Spokesperson Retired Vice Admiral Alexander Lopez, narespondehan naman ng Philippine Coast Guard ang mga sibilyan nagtamo ng injury.















