Inanunsyo ng Bureau of the Treasury na nagkaroon ng pagbaba sa subsidiya ng gobyerno sa Government-Owned and -Controlled Corporations sa 26. 68% noong buwang Hunyo.
Ayon sa ahensya, mahigit ₱7.45 bilyon lamang ang budgetary support ng gobyerno sa mga GOCC sa nasabing buwan.
Mas mababa b ito kumpara sa dating ₱10.16 bilyon na subsidiya ng gobyerno sa parehong panahon noong 2024.
Nabatid na ang GOCC ay regular na nakakatanggap ng subsidiya mula sa national government bilang suporta sa kanilang operasyon.
Batay sa datos, ang National Food Authority ang nakatanggap ng pinakamalaking subsidiya noong Hunyo kung saan umabot ito sa ₱3.43 bilyon o 46.07% ng kabuuan.
Sinundan ito ng National Irrigation Administration na mayroong ₱2.39 bilyon habang ₱268 milyon naman ang natanggap ng Philippine Fisheries Development Authority at iba pang ahensya.