-- Advertisements --
Hindi naapektuhan ng mga nagdaang bagyong Tino at Uwan ang buffer stock ng bigas sa bansa.
Ayon kay National Food Authority (NFA) Administrator Larry Lacson, na kahit napinsala ang mga pasilidad ng NFA sa Norte ay sapat pa rin ang kanilang suplay.
Napaghandaan aniya nila ang mga bagyo kaya bago dumating ito ay kanilang natakpan at nabalutan ang mga sako-sakong bigas para maiwasan na ito ay mabasa.
Natitiyak naman nito na mayroong sapat na buffer stock ang kanilang opisina na aabot pa ng ilang buwan at natiyempuhan na panahon ng anihan.
















